Crochet baby alive clothes

For the first time, nakatapos ako ng projects within a day. Sana napasaya ko ang aking baby . . Salamat sa mga taong nag inspire na ituloy konang ginagawa ko. Sa tagal ng panahong lumipas, ngayon ko lang nagawan ng matining damit ang mga manikanng baby ko at the same time hindi inabot mg taon bago ko natapos.

On progress

Sometimes, something needs time. Tulad ko. Napakaraming taon ang pinalipas ko para lang magbalik loob sa mga hilig kong gawin. Specially itong blog. Nakakamental block, nakakafrustate. Ilang beses akong nag give up. Ilang beses din ako nagsimula. Finally i decide what’s on mind will be publish here. Please respect it. Minsan may sense minsan wala. Masaya na po akong supurtahan nyo ako.👌 Comment lang po kayo wag kayong mahiya sakin. Di naman po ako snob😌.

Crochet baby alive clothes

7.31.2020

Umungot na sakin ang panganay ko na gagawa nya ng damit si james. Ako naman busy busihan sa pag iimis kaya nag madali na akong matapos para maigawa ko at di mawalan ng gana maglaro.

For the first time. Nakatapos ako ng isang project on time, hindi sobrang haggard at di binabaltik.

Nakakatulong talaga ang magpahinga kapag nawawala na mood o kaya namemental block. Tipong di mo na gusto nagiging resulta ng gawa mo.

May ilang taon din ako napatigil. Pero ngayon.  Parang bumilis akong gumawa. Nakatapos ako ng doll at damit ng baby alive. Nakailang tastas din ako.

Comment lang sa may gusto ng pattern. Willing ako ishare lahat ng alam ko. Basta pasensyoso ka👌

Move on never bother:

“bat kaya di sya nagpaparamdam? Anu ba yung huling message ko? Tsk. .nagcha-chat lang pag magcha-chat ako? Ganun na lang lagi nakakasawa naman. Di nya ako namimiss?? May kachat na iba? Busy?”

Mga tanong sa isip na mahirap sagutin lalot di mo nakakasama ang tao. Maghintay nalang ang pwedeng gawin. Nakakainip, nakakatuyot ng utak, higit sa lahat nakakaumay. Di maiwasang mag expect. Di maiwasang maging negative. Di maiwasang malungkot.

Anu pa man ang gawin di sumasagi pa din sa isip ang mga tanong na yun.
Matutulala ka na lang bigla. Makakaisip ka ng mga senaryo sa utak mo. Hanggang sa maluha ka sa lungkot. Makakatulog ka nalang. Sa pag gising mo. Marerealize mo. Bakit??

Anu bang nakakalungot kung di nagkakausap? Hindi dapat masakit.

Babangon sa pagkakahiga ngingiti at itutuloy ang buhay.

Ganan katatag dapat. Malulungkot lang pero tuloy tuloy pa din

Crochet mermaid inspired doll

Birthday nang anak ni mare. Kaya naisipan ko igawa ng manika. Di ako nagexpect na magiging roller coaster of emotions ang pag gawa ko ng manika.

May dalawa akong anak at may malaking bahay na imisin, halamang gustong itanim at tubal na aamagin😆. Sumabay ang ulan at yung pag eexercise ko. Napaskip ako routine ko para matapos ang manika. Ilang beses  akong binugnot ng anak ko.

Nang matapos ko ang manika nag dadalawang isip naman akong ibigay. Ganun din ba kayo? Tipong nahihiya kang iregalo yung pinagpuyatan mo. Feeling mo kasi mapanget o di magugustuhan ng bibigyan mo. Di nila maapreciate lahat ng effort mo. Nahihiya naman ako kay mare na pumunta sa birthday ng anak nya walang regalo.😓

Itutuloy.  . .

Tamad lang pero marunong: Short story

You to believe to see

Isa kaba sa nasasabihan ng “batugan,tamad,pangkal??”.
Masakit sa tenga, nakakataas ng kilay.  Lalo’ maririnig mo sa mga taong kilala lang yung sarili nila.

Hayaan mo lang sila sabihin ang kung ano. Mas kilala mo naman ang sarili mo. Ang mahala marunong ka👌

“Kilos kilos din naman. Maghapon ka nalang ba ganan?” Nakapamewang na singal sakin ni nanay.

“Gumansilyo kana ng gumansilyo. Anu ba gang nahihita mo dyan?? Tumayo ka jan at mag imis. “


“Pamaya na po. Tatapusin ko lang to. Punta na kayo kabila, ako na jan pag natapos ko po ito. “

“Puro ka simula, may natapos ka na ga dyan”

“Nay naman e, nililito nyo po ako. Ako na nga po mag iimis. “

Ito lagi ang bangayan ng mag nanay tuwing nakikita ng ina nito nag gagansilyo ang anak nya.

Palaging nasasabihan na tamad ang anak nya dahil hindi sya maasahan sa gawing bahay. Lalo na kapag kumpleto angbbuong pamilya. Pahila hilata lang. Babango kung kakaen.

Nang minsan magpaalam ang kanyang ina magbakasyon, naiwan sya mag isa sa bahay. Dahil sa walang kasama at naiinip naisipang nyang maglinis.

Laking gulay ng kanyan nanay nang makauwi galing bakasyon. Napakalinis ng bahay nila. Nakapatas ang mga gamiy walang alikabok.

Noon narealize ng ina nya na tamad lang sya pero marunong😘😘😘

Nanay ko Baltik: learn from Me

Di maiwasang tumaas ang presyon ko sayong bata ka😣

Dumadating talaga tayo sa point na kahit anong ganda ng mood natin. Isang kibot lang ng mga anak natin. Binabaltik na agad tayo. Kahit nakatingin lang sila sa atin, naiinis na agad tayo. Lalo na kung may inuutos ka, at ung anak mo dakdak nang dakdak di naman matapos ung pinagagawa mo.😓

7.27.2020

Napakaganda ng gising namin mag ina. Nagsasayaw pa sya, habang nagtatagal akong ng taba sa katawan. Nang matapos ako, nagsimula na ako magimis. Inutusan ko ang panganay ko kumuha ng basahan habang nagbabrush akong mga alikabok nang bintana. Nagreklamo na agad sya kasi di nya daw makita pero di pa sya naghahanap. Nagsisimula na ako mainis kasi ang dami nya sinasabi habang naghahanap. Palagi nya kasi nilalaro ang basahan na iyon, kaya sakanya ko pinakuha. Tuloy lang ako sa pagbabrush ng alikbok. Pagpasok ko sa sala, nakita ko sya. Paga ang mata at namumula. Bigla nagdilim ang paningin ko. Ang basahan na araw araw nya nilalaro, hindi hindi nya makita, tapos kung anu ano pa sinasabi nya na hindi ko maintindihan. Sobrang galit ko. Nagsisigaw ko. Galit na galit ako. Kitang kita nya sa mukha ko

” ano bang nakakaiyak sa pinagagawa ko.” Kinuha ko ang tambo sabay palo sa lamesa.

” lagi mong nilalaro yun. Bakit di mo makita ngayon. ???”

Bigla ako naka amoy ng mabho. Tumae na pala ung bunso ko. Wala na akong nagawa kundi linisan. Nagpunta kami sa gripo para maliguan na din. Nang matapos kami, nakisuyo ako sa panganay ko na kunin ang towel.

“nakita mo na ang basahan? “

“hindi pa po. 😭”

“hanapin mo!!!”

” aalis na ako dito. 😠”

“sige!!kunin mo na gamit mo umalis kana”

Pumasok na kami ng bunso ko sa kwarto para magbihis. Napansin ko sya na hindi na naiyak. Kabado din naman ako at baka nga makalayas😅.

” oh. Ang basahan?”

Nasa likod ung mga kamay nya nung lumapit sa akin. Nakangiti na sya. Nakita na nya ang basahan.

“aalis kapa??”

Pailing iling na sumagot sakin. Wag na daw ako magalit sakanya. Itinuro nya ang bag nya na may lamang damit nya. Inalis nya at tiniklop, binalik sa lagayan.

Sinabi ko sakanya na huwag sya makialam ng mga gamit nang di ko sya mapagalitan.

Tinanong ko din sya kung bakit ako nagalit sakanya. Sinagot naman nya ako. Atleast alam nya na nagkamali sya kaya ako nagsisigaw kanina.

Ang ending natuto sya mag hugas ng pinggan.

Nakakatulong din naman minsan ang sigawan ang anak. Naiintindihan nilang nagkamali sila o may kasalanan sila.

Ang masusugest ko lang kung nagagalit kayo sa anak nyo. Sabihin nyo sakanila ang dahilan👌

Ang partner kong tamad: a short story.

Ginisang pechay at adobo😍

Maaga akong gumising para mag asikaso ng gawaing bahay. Nagwalis ng harapan at nagdilig ng halaman. Araw araw ito ang gawain ko. Madalas tanghali nang bumangon ang partner ko. Di ko naman alintana iyon , sya kasi ang nagluluto ng almusal namin.
Nitong umaga habang nagpapahinga ako sa pagdidilig. Lumapit sya sa akin at nagpapa alam na may pupuntahan.  Pumayag naman ako at sinabihan kong bilisan na nya kumilos at nagugutom na ako.
Tiningnan nya ako. Nagtataka ang mga mata nya.

” Nasanay kana!!” May galit ang tono ng boses nya.

” Ano??” Nalilito kong tanong sakanya

” Nasanay kanang ako ang nagluluto ng agahan!!!” May pag irap pa ng mata at namewang pa.

Hindi ako nakaimik sa sinabi nya. Umalis na din sya sa tabi ko.

Hindi ko mapaniwalaang sa tagal na naming magkasama ay masasabi nya sakin iyon. Masarap sya magluto kesa sa akin. Iyon lang din naman ang pinaka gawaing bahay nya. Bukod sa ilang mga utos ko. Wala na sya ikukusang gawin sa bahay. Hindi ko inaasahang mag expect sya sa akin na magluto ng almusal. Pakiramdam ko gusto na nya solohin ko lahat ang gawaing bahay.

Bigla may sumitsit sa akin. Nang nilingon ko, nakita ko sya na may dalang pagkaen na inaabot sa akin.
Ready na ang almusal👌.

Create your website at WordPress.com
Get started